Ako nga din haha para may babalikang babasahin soon.
Im Virson, aka CtrlV, 21 yr old ngayon (pindot ctrl + ooops di gumana shortcut ng pag insert current date di pala to excel . June 25, 2014 ngayon. haha meron n pala sa taas ang date. in case na hindi lang makita at babasahin ko to ulit soon. oh! nawala na ako sa topic. Life of a Developer? well well well basag well (alam nyu naman na siguro ang basag well!) hehe first time ko mag dota nung 1st College ako, Ou! wala akong hilig nun sa game na Dota pero dahil nilalaro ito ng mga kaibigan ko at sikat ito(ngaun) at narinig ko na pag IT daw eh malupet mag DOTA wahaha bumpanes ako kaya yun inaya ko minsan mga tropa ko na turuan ako mag dota, pumayag nama agad sila gang ngayon ngdodota pero medyo weak parin . teka teka, nawawala ako sa Topic . Life of a developer. 1st time ko Humawak ng computer na may mouse noong 4th year HighSchool ako. uhm nga pala 4th year College na din ako ngayon. 4rth year HS ako natutong gumamit ng computer kasi may subject na kaming computer nun. once a week magKlase at mga computer namin nun ay mga malalaking Monitor at may bilog yung mouse . nasa lowest section kami pero kami yung may award na best in Attendance sa Computer subject . dun namin napagAralan ang mga basic na microsoft office at pinahapyaw naman ng instructor namin na magInternet dun kami gumawa ng yahoo account namin at friendster. at pagkaGraduate ko ng 4th year HS nakatanggap naman ako ng ng Student Assistant Award at Best in Powerpoint Animation . Dun ko nalaman na ang passion ko ay sa larangan ng Computer . wala pa ako sa Climax kaya pasensya na kung mahaba haba
pagkaGraduate ko ng HS, may offer nun ang TESDA na FREE kaya hindi na ako ngbakasyon at nagEnroll na agad ako ng summer class sa college. Computer Programming yung course at free na offer ng TESDA with allowance hehe. ang alam ko nun Computer lang yan kaya madali lang at ang alam ko eh parang sa pag aanimate lang sa powerpoint at pagpapaganda ng layout sa Friendster pero hindi pala . Actually wala akong natutunan nun. kasi nga parang na shock yung utak ko na firstTime kong namulat sa Computer Programming at medyo ignorant pa ako sa mga ibang larangan ng computer. hindi ko alam iExplain pero basta ganun, yun na yun . at kahit papano napasa ko yun at nakuha yung mga allowance . pagsapit ng June, Dahil walang pera, nagEroll n ako ng short Course, Computer Hardware Servicing (Computer Technician). ayun di naman ako nahuli sa mga kaklase ko, di gaya nung comprog ako. at grumaduate na ako ng 2yr CHS at narecieve ang Gold Medal sa Best in Circuit Troubleshooting. nagStop ako at ang sideline ko ay cellphone technician, pero hindi ako kuntento nun kaya sinubukan kong mga apply gamit ang aking napagAralan. nag apply ako at napadpad din ako jan sa maynila at nagApply sa CD-R King. pasok naman yung Resume ko at pasado naman ako sa personal Interview Pero pagpunta ko sa Final Interview na sa Hardware mismo ng computer eh bagsak ako. tandang tanda ko yung 3 questions na hindi ko nasagot. hindi ko na babanggitin baka sabihin nyu pang maxado akong bobo . nagApply din ako ng mga 5 company dito sa bayan namin sa probinsya pero wala paring tumatawag saking company yung iba degree course daw ang hanap, yung iba naman hindi sila Hiring. hindi ko alam kung wrong timing ako or ano. kaya tuloy lang ako sa pagiging cellphone technician. Halos nawalan na ako ng pagAsa nun.
Last paragraph CLIMAX na since cellphone technician ang bagsak ko kaya yun nalang ang pinagtyatyagaan ko, hanggang marealize ko na hindi ko talaga career ang CP Tech. alam kong may mas mataas pa akong magagawa na hindi lang sa pag aayos ng sirang cellphone. Isa sa mga nagInspire sa akin ang tito ko. Si tito ko na Dr. of Philosophy at Asean Consultant na nakatira jan sa UP Diliman na kung saan ako tumuloy nung nagpunta ako sa CDRKing jan sa binondo. Masyado syang busy at madaming appointment at madaming meeting. mga ilang oras lang kaming nagkita at nagnaguusap pero bawat salita nya sa akin ay parang napakahalaga at nakakaInspire. kinapalan ko pa ang mukha ko nun at humingi ng computer pero di ko na matandaan basta wala syang direct answer na yes or no. pero ang naaalala ko lang na nasabi nya nun ay "Kahit ikaw ang pinaka magaling na gumawa ng cellphone o Computer, walang silbi yan kung kung hindi mo alam gamitin ang Computer" not exactly the words pero parang ganyan. (excuse me, no offense to all CompTech). Hindi ko ma explain ang words nya pero nagegets ko ang point nya. at Isa pa TS, sapul tayo dito. "sa panahon ngayon, Kahit na ikaw ang pinaka magaling sa Computer, malayong mas mataas ang chance ng isang Degree Holder na ma hire sa isang Company". uhm since logician ang tito ko, naniniwala ako sa nasabi nyang yan. kaya yun Nagpagisip isip ko na magtuloy sa pagAaral at kukuha ng Degree Course. june na nun pasukan na within 1 week. 1 week din akong biglaang nagdecide na magAral. kaya yun nagwoworking student ako hanngang ngayon.
Oops maximum of 4 paragraph haha hindi ko akalaing makakapagtype ako ng ganito kahaba. ang tyaga naman ng nagbasa ng comment ko na to jeje. since tinuloy mung binabasa itutuloy ko din. para din sakin to. nagTuloy ako ng Course na BSIT at 2nd year na ako agad nun kasi carry na yung mga ibang subject. sa nakalipas na taon, laging nasa average naman ako. sa ngayon 4rth year na ako. gang ngayon wala pa akong sariling computer, walang loptop. hirap din ako sa course ko buti nalang meron paring mga kaibigang nagpapahiram ng loptop, hindi rin sila gumagwa ng system kaya, papagamit nila sakin ang laptop nila no Choice ako nalang taga gawa ng system nila, ang alam nila kawawa ako pero gustong gusto ko naman , Pero mahirap parin ang IT na walang sariling Comp. parang Grade 1 na Putol ang lapis, parang karpintero na walang martilyo, engineer na walang ruler at parang Dota Hero na walang Item. Pero sa dinamidami ng utang ko eh sinubukan ko paring magEnrol, swerte ko kasi mabait kahera namin, pinayagan akong makaenrol. Hindi ko alam kung makakatapos pa ako, pero I don't care kung makakatapos ako oh hindi, I don't care kung mahihire ako sa Trabaho o hindi. nagEnroll ako kasi alam kong dito ako masaya, alam kong nageenjoy ako sa course ko. nanghihinayang ako sa ComProg na course ko nun, hirap na hirap ako nun. parang gusto kong ibalik ang panahon at gawin ulit ngayon. nakakaGuilty, hirap na hirap ako nun tapos alam kong sisiw ko nalang ngayon. gayun paman alam kong sa larangan ng computer ako masaya, at napatunayan ko nga na kahit gaano kahirap ang isang bagay eh kayang kaya mong gawin kung nageenjoy ka at ito ang hilig mo. lahat tayo ay may kanya kanyang uniqueness at passion. Hindi mo kailangang magreview ng paulit ulit, magbasa ng makakapal na libro or magpuyat para makakuha ng mataas na grade. sundin mo lang ang gusto mo at kung san ka masaya. kahit hindi na ikaw ang pinaka matalino or kahit hindi ikaw ang pinaka mayaman, kahit nakatapos ka man sa pagaaral o hindi. bastat mabuti at masaya ka sayong ginagwa, walang problema.
Do your best and God do the rest, make your passion as your profession.
Sunday, July 24, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment