Hi, I just wanna share my story to everyone. Bago ko isulat to pinapagalitan na ako ng nanay ko dahil mag spray daw ako na mais namin :( but I refused and said tomorrow nalang. My name is denden, 21 year old, a BSIT grad, a civil service professional and NHS NC II passer. Di ako magaling mag kwento pero susubukan ko. Im living in an utmost barrio where internet connection is a problem, ang kapaligiran ko ay maisan infact dito sa kinatitirikan ng bahay namin ( 7 x 6 sq m land) ay karugtong ng aming kapiranggot na lupa kasi naman nung nasa 1 year college ako e pinatalsik kami sa aming tahanan. Sana alam nio ang pakiramdam ng umuwi galling sa eskwela na wala kana palang bahay na pagpapahingaan dahil na demolished na ng wala man lang akong kaalam alam. Pinalaki ako ng aking mga magulang sa pamamagitan ng mais/tabako. Dahil sa ganyan an aming kinabubuhay, natututo na rin ako sa mga gawaing bukid, mag-araro, maglinis ng maisan, magharvest, mag spray at kung ano ano pa. Basta imagine nio nalang isa akong batang probinsyano na magbubukid at sumasakay sa kalabaw. Obvious naman hindi kami mayaman, bubong naming butas butas at tuwing may ulan kinukumatan ko ang pc ko para hindi mabasa. Wala kaming stove, kahoy ang panggatong at minsan ung tangkay ng mais o tabako.
Pero sa likod ng mga hirap na yan, ginapang kami n aming mga magulang. Entering high school (2004) mother bought me a calculator. A scientific calculator she bought at the muslims. I considered it as my first computer.i can type my name into it. Looks awesome, doesn’t it? I love that calculator she bought around 120 pesos. I read the manual and learns a lot more. Since then I enjoy digging what can it do more. When I entered h.s at napabilang sa science, di naman sa pagmamayabang pero naggraduate kasi akong salutatorian nung elem. At dahil sa science class ako meron na agad akong subject na computer, ang natatandaan kong ginagawa namin nun ay mag change directory, time, date and so on using command prompt. Di ako magaling magkomputer, sa katunayan nanginginig ako baka masira ko kasi wala naman kaming pambabayad kung sakali. Ang bagal kong mag encode nun at laging mababa ang laboratory grades ko kumpara sa mga classmates kong may computer pero pagdating sa written mataas ako, isa ako sa mga pinakamataas. Sabi ko sa sarili ko, magaling ako sa pasikot sikot sa calculator so magiging magaling din ako sa computer pro di ko kayang makipagsabayan sa iba nuon lalo na kapag sa Print Artist na, pabonggahan ng design. But magaling ako nun sa HTML namin hehe. Cut nalang ditto hehe
Here it is, enrollment na ng college. Lakas loob akong pinag aral ng mga magulang ko kahit sa isang pampublikong paaralan kasi sayang daw ako kung d ako mag aaral. Kung papalarin nga sana ee sa UPHS ako mag aaral ng COMP. ENG pero di na talaga kaya kahit pa nakapasa ako sa entrance test nila. Bilang isang I.T unang requirements at gagawa dapat ng email address. Ha, hindi ko alam yan. Nagpagawa ako ng email ko sa pinsan ko, kahit na din friendster hehe. Naadik na ako sa internet, 25/hours ang bayad nun kahit hindi na ako kumain hehe basta mag net pero hindi ako nag gagames search download lang. my mga araw na napapalayas ako dhil bawal daw ang download huhu. First sem palang din nun ng college na INC na ako sa Computer Programming. MY first INC, di ko na naicomplete kasi natanggal na ang prof. ko sa school namin. SO I need to retake it, and nakita naman ng prof ko na magaling ako kaya kahit wag na daw ako papasok sa kanya hehehehe. Gustong gusto ko naman. Second year na ako nun, kakasimula ng second sem nung namatay ang tatay ko :(. Wala ng mag aalaga sa mga alaga naming baka so napg pasyahan naming ibenta nalang at dahil kelangan ko din ng pc sa mga oras na un ay binili namin ng pc. Core2duo 1 gigs or ram. Yan ang pc ko nuon hanggang ngayon, nadagdagan lang ng memory at HD. Bumili din ako ng broadband, globe e1552 modem sa pag aakalang magkakaroon ako ng internet pero wala ni isang signal.Try ko daw mag smart pro wala naman akong pambili so bakit di ko ba pdeng lagyan to ng smart sim. Dun na ako nag search at napadpad dito sa SYMBIANIZE. Ewan ko ngayon kung na uunlock na ang red box e1552 modem. Sa symbianize ko natutunan ang freenet. Bumili ako ng external antenna at kung ano ano pa pra lang magkanet kahit edge lang signal ko pinagtitiisan ko. 0.08 lang din ang speed ko sa speedtest samantalang ung iba nakakainggit. Nag join na ako ng mga forums, wow ganito pala dapat ang ginagawa ko sabi ko sa sarili ko. I.T. ako pero wla pa ako sa kalingkingan ng mga to sabi ko sa sarili ko. Ang gagaling kasi ng mga tao sa internet. Dahil jan lagi na ko umaabsent sa school at nagdodownload ng mga it books. Sabi ko sa sarili ko dapat mging magaling din ako tulad ng mga tao sa mga forums at gagawin ko yun
Heres come ojt, nasira ko daw pc na teacher namin kaya pinagalitan ako at tinanggal ako sa office nia as ojt trainee, dami pa man daw dun files nia na nakatago at nawala lahat. Wala naman akong maalala na winala ko files nia, kung nawala bakit hindi I recover? Haixt napunta tuloy ako sa library at dun ako unang nagcode ng system. Gawan ko daw sila ng library system. So wala akong magawa kundi pumayag, di ako magaling magcode sa vb 6.0 na subject namin ee di lalo na sa .net ayw ko din kasi nun mag code sa 6.0 kasi sabi dito sa Symbianze mas maganda daw ang .net. Ganyan na ganyan din ang ginawa ko sa thesis ko. Imbes na joomla gagawin ang website nag drupal ako. Ako lng ang nag iisang nag drupal sa buong campus at ako lang ang nag thesis ng mag isa.. ung iba dalawahan o tatluhan. January na ata nun magsimula akong mag download ng IDE ng .net at dapat matapos ko ang system sa 2 week ng march. Wow ang hirap, wla pa nga ako alam sa .net pero ayos to may trill hihi. Natapos ko ang system, sa tulong ng mga tao sa forums. MSDN forum, stack overflow, code project at symbianize ang takbuhan ko nun, nagpapasalamat din ako kay sir eric, isa kang idolo. Ewan ko kung andito pa si polen, di na kasi ako masiado dito sa sb ee. CP mode lang din kasi ako, nag graduate ako na mayroon ng 11 INC at pitong 5.0 grades pro masaya ako kasi sabi ng classmate ko, “den sayang ka, kung di kalang absingero, kumlaude ka sana” .muntik ako maiyak nun. 2012 pala nung nag graduate ako pero hannggang ngayon la pa ko trabaho, kakalabas lang din kasi nung TOR ko nung september kasi inayos ko pa name ko. Mali kasi kaya di ko nalabas agad grades ko at inaantay ko pa ung Civil service certificate ko. Bakit ang tagal kong tambay diba hehe. Pero sa mga oras na tambay ako, tumulong ako magtanim ng tabako ng pinsan ko. Siak ti kadwa na para awit idi, agusar kami ti kunada nga alula hehe. Nagsweldo ako at binili ko ng cellphone para may net naman ako khit papano. Madami na din akong system na nagawa, pero hindi pa ako kuntento. Sa ngayon very limited lang ako mag pc kasi wala kaming pambayad ng kuryente. Ang sakit maputulan. Pag nabenta ko kambing ko luluwas ako ng manila at makikipagsapalaran. Nalihis na rin ako ng landas, ive been to graphics designing pero iba ang hatak ng programming, parang pag ggym na hahanap hanapin mo ang sakit na dulot nito.. kapag makapag trabaho na ako, maybe I can get my own pc and have it open 24/7. Ang sakit kasi na gustong gustong mong mag program pero wla naman pambayad ng kuryente. I always fun to program, ginagawa mo kung san ka masaya kumikita ka pa.
Friday, July 22, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment