Friday, July 22, 2016

Story of Penshoppe153



YOW DEVELOPAZ!

SHARE SHARE PAG MAY TIME!

Ako si Penshoppe, 18 years old. Natuto ako mag computer nung nagkasakit ako ng bulutong (hindi ko na tanda edad ko bata pa) tapos sa ibang bahay muna ako tumira na may computer. Tuwang tuwa ako sa larong Virtual Cops. Simula noon na amaze ako kung paano ba ito gumagana. 

Tapos nun ayun nag simula sa Counter Strike > Dota > Audition at kung ano anong games (syempre lahat games muna db?)

Pero nasabi ko nun sa sarili ko may matututunan ba ako kung puro laro lang ako? then ayun nagtry ako ng HTML astig lalo na ung <marquee> code tuwang tuwa ako dun kahit napakasimple, tapos nag improve na ng ng improve. Napunta sa PHP > MYSQL > ngayon android development.

At ayun na nag college na ako, una talaga COMPUTER SCIENCE ang gusto ko. Pero ako eto malakas ang loob dahil kung mangagarap ka taasan mo na db? So nag Computer Engineering ako sa isang high standard na Engineering school dito sa Laguna. Ayun gulat na gulat ako kasi hnd ito ang ineexpect ko na puro Mathematics at wla halos programming, ang programming eh nasa 4th year to 5th year pa. Eh hnd pa naman ako magaling sa MATH. Nakakainis kasi lagi akong kulelat dito tapos mga kasama kong COE matataas pero pagdating sa Major namin like computer parts, ayun ngayun lang pala nakakita ng RAM. Hinihintay ko lang talaga time ko ako naman magyayabang. haha

Sa ngayon ako ay nagpapakahirap sa Mathematics kasi pag nakadaan naman ako dito okay na puro Programming na. Saklap lang talaga kasi napakahirap. Pero naniniwala ako pag tapos na mathematics ko aba, pede na! 

Sa ngayon ay may dalawa akong website na PHP based. Nahihirapan lang ako isabay sa pag aaral. Pero kaya ko to! 




0 comments:

Post a Comment