Hindi ko pa man nabasa lahat ng comment dito pero napansin ko mostly mga younger age ang nagshishare ng kanilang mga experiences at ang gaganda ng mga story ng bawat isa.
Ngayon gusto ko lang din i-share ang experience ko. At para na rin ito sa mga FRESHLY GRADUATES na NATATAKOT SA KANILANG FUTURE.
Pasensya na rin at baka mahaba ito pero sana makatulong din kahit paano.
I'm Rey age 43 now living and working here in Bacolod but i'm from Paranaque.
Nuong pa graduate pa lang ako ng High School 1988, pangarap ko na na makakuha ng kurso related sa computers and probably sa programming siguro, pero dahil sa mahal ang tuition sa ganyang course so napakuha na lang ako ng commerce major in accounting. Pero dahil sa hindi ko hilig ang kurso ko at dumating din yung time naging pabaya ako sa pag-aaral ko, hindi ko ito natapos halos 2 years lang ang nakuha ko.
Pero dahil sa mahilig talaga ako sa computer, una kong sinabak ay mag self study kung paano mag repair ng computer, buti noon uso na ang internet so mostly google search ako and trial and error. At dahil doon at least nagkaroon ako ng trabaho sa isang maliit na computer shop at duon ko pa halos nahasa yung pag-aaral ko bilang technician.
Dahil sa hilig ko talaga ang computer binalak ko na rin subukan ang programming, pero nahirapan ako dahil sa wala akong alam sa basic sa programming at walang oras para makapag-aral talaga kaya katagalan di ko na lang tinuloy.
After many years past, nakapag-asawa na ako at dito na ako napatira sa Bacolod year 2002. Pagkalipat namin dito sa Bacolod wala akong trabaho almost 2 years. Ang ikinakabuhay lang namin ay ang pagtitinda ng ulam at pag-iinasal ng misis ko. Pero dahil sa mahirap din ang kanyang trabaho, at ako naman dahil hindi sanay sa trabahong mabibigat kaya kahit pumasok sa mga construction site ay hindi puwede, tapos hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral at may edad na rin at that time age 30+ na ako pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Dahil alam ko na in demand talaga ang technology sinubukan kong mag-apply sa isang maliit na Publishing shop at sinuwerte naman na natanggap. Hindi ko pa nga alam kung paano gumamit ng mga CORELDRAW, PHOTOSHOP at VIDEO EDITING pero dahil mahilig akong magkutinting napag-aralan ko naman agad at kahit paano nagawa ko trabaho ko :-)
PERO SA HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON, dumating ang OPORTUNIDAD sa akin. Mayroong kaibigang chinese ang boss ko na naghahanap ng programmer. Gusto niyang magpagawa ng ACCOUNTING SYSTEM para sa kanilang business (Water PVC Pipes and Fittings). At biglang nire-commend ako ng boss ko sa kanya.
At that time burado na sa isip ko ang mga napag-aralan ko sa programming, pero dahil siguro sa tawag ng panahon, nakipagsapalaran ako. P 15,000 ang siningil ko sa kanya tapos nag pa down ako ng P 7,000. Napagkasunduan namin ng kliyente kong chinese na magawaan ko sila ng program within 1 MONTH pero kung HINDI NILA MAGUSTUHAN ang ginawa kong system, KAILANGAN KONG IBALIK ang P 7,000 na dinownpayment nila.
Kahit medyo nakakatakot tinanggap ko pa rin ang offer, at that time ZERO KNOWLEDGE ako sa programming, luckily na search ko ang MSACCESS which is mas madaling matutunan at iyon ang ginamit ko. 1 MONTH wala halos TULOG at BIHIRANG KUMAIN dahil sa ka-aaral. And then dumating na ang time ng PRESENTATION ng PROGRAM ko. Tiningnan nila ang sinubukan, medyo may mga kulang at hindi pa pulido pero NAGING SATISFIED sila sa ginawa ko at ayun sinabi nila na ituloy ko ang SYSTEM at salamat sa DIYOS natapos ko rin. :-)
Sa NGAYON I am now working sa kanilang FACTORY at ako ang gumagawa ng SYSTEM nila. :-) Pero until now MSACCESS pa rin ang alam ko lang na program :-)
Ang TECHNOLOGY ngayon ay UNLIMITED, nasa inyong IMAGINATION at CREATIVITY kung paano ninyo mapapalawak ang KNOWLEDGE ninyo sa pagiging PROGRAMMER.
SALAMAT SA NAGTIYAGANG MAGBASA.
Friday, July 22, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment