Friday, July 22, 2016

Story of simplemind20



share ko na din tong mga karanasan ko..

Highschool pa lang ako, adik na ko sa computer games. ragnarok pa uso nun.. yung tipong mag ka-cut ako ng class makapag laro lang. lagas pera ko palagi.

grades ko nun, nakakahiya. tuwing kuhanan ng grades, nakatakip lage ng isa pang papel yung mga grades ko sa card ko. kase mas marami na ang pula kesa sa itim.

pero, hanggang second year lang yun. nagbago bago na ko nung 3rd year. at himala! isa lang ang bagsak ko. 2nd grading, Araling panlipunan. tapos non, wala na.. naglaho ang mga pula.

4thyear highschool ako, nahilig ako sa pag eedit ng style ng friendster. yun na ang simula.. puro edit dito, edit doon, without knowing kung anu ba tawag sa mga codes na yun. at di ko alam na "codes" na pala talaga yun. tapos, nung malapit na ang graduation, may mga nagpupuntang tao sa school namin para mag bigay nung mga brochures at mag intro kung anu anu ba meron sa school nila. napatanong ako ako sa nagsasalita sa harap - 


"sir, anong course po ba yung pwede kang gumawa ng games?" - tanong ng baguhan na walang kamuwang muwang kung anu ba talaga kase di ako mahilig mag research nun.

at kaya ko pala natanong yan, ayun nga, ragnarok player ako dati. so bukod sa styling ng friendster, napaisip din ako kung panu ginagawa ang ragnarok.

"Computer science po. yung mga nakikita mo sa internet, pwede kang gumawa ng sarili mong katulad nun." - at ayun nga. nag aral ako ng assoc comsci muna. sa kasamaang palad, java lang ang natutunan ko. pero maswerte pa din kase nagamit ko naman yung skills ko sa java dahil nung pagpasok ko sa sunod na school, meron palang mga competition dun na ilalaban ka sa local at national competition. 

akala ko, magiging javaman na ako. kase yun at yun lang din ang inaaral ko sa school hanggang pag uwe ko dito sa bahay.

alam mo yung feeling na - 
-nag lalakad ka
-tulala
-iniisip mo kung pano masosolusyunan yung problem na binigay ng prof mo.
-matutulog ka
-mananaginip ka
-at yung panaginip mo mismo, dun mo pa nasagot yung problem.
-magugulat ka nalang pag gising mo, nakangiti ka na pala. kase may linaw na ang sinasabi ng kaklase mo na "MALABONG matapos to agad"


-at ang pinaka masaya sa lahat, at nakakapag pamotivate sakin, yung naaappreciate ng mga tao sa paligid mo yung ginawa mo at napupuri ka pa tapos mapapatanong pa sila na - bakit di ko naisip yun?

at dahil kakaiba ang feeling pag napupuri ka dahil sa ginawa mo, yun na din ang nag motivate sakin para ituloy pa ang ginagawa ko.

dumaan ang mga araw at linggo at buwan na natutuwa at nagugulat sila sa mga kaya ko nang gawin.

at syempre, ako naman si "ngiting wagi".

naging best thesis yung ginawa namin, at ako naman, programmer of the year.

pero eto talaga ang di maiiwasan.
pag nasa industry ka na, back to zero ka talaga.

parang hanggang pader nalang ang awards mo dahil kelangan mo ulet mag aral ng kakaiba. kakaiba dahil hindi naman talaga ako web dev/web designer nung nag aaral pa ko. takot kaya ako sa css dati kase waley ako sa styling. haha.


pero eto na yun e. nandito na ko, susuko pa ba ako? pwede ko naman aralin, tanggalin ko lang yung mga katamaran ko sa buhay.

minsan naiisip ko pag mag isa akong naglalakad pauwe, 

"tama ba tong pinasok ko?" - mahirap mag hanap ng matinong trabaho. umalis ako sa company (web dev ako dun) kase unfair sa pasahod. as much as possible kase gusto ko related ang work ko sa tinapos ko. so kahit maliit sahod, ginrab ko na. tutal fresh grad naman ako at exp pa lang naman ang habol ko.


at dahil nakita ko tong thread na to sa kalagitnaan ng katamaran ko ngayong mag aral ng codeigniter, mejo nabuhayan ulet ako ng loob mag code kahit tamad na tamad na ko kanina..

push lang natin to at malayo mararating natin. dun sa malayo layo na ang narating, makakaabot din ako sainyo.



cheers!




0 comments:

Post a Comment