GoodMorning, I'm jay. 22. rizal. Graduate of BS in Information Systems. Before ako mag work today, gsto ko ishare ang exprience ko kahit di naman maxado kagandahan.
Nung highschool, noted na talaga ako s school namin na ako ang magaling sa computer. napanlaban na din ako , unfortunately natalo.
College, nag study ako sa ABE International Business College (o dba , kmpleto). Hndi maxado maganda ang exprience ko sa school na to , (except na dito ko nakilala GF ko ngayon). Andamot ng school na to sa Computer Lab.
My times na minamaliit ako ng mga teachers ko noon na, kesyo di daw kami bagay ng gf ko, (Presidents Lister at Dean's lister ksi xa palagi).
Nasasabihan pa siya minsan na "Bakit Sya? wala ka mapapala jan". "dun ka sa matalino, yung mapapakain ka pagdating ng panahon". madalas ganon.
Nagbago to ng unti unti nung naging teacher ko yung isa sa mga nagmamaliit sa akin. naging paborito nya ako, kasi ako lng ang nakakgawa palagi. (XML DOM Subject). Hanggang sa maging adviser ko din xa sa Capstone project namin. Yung project ko na pang text/group message ang naging "Best Capstone Project" samin, at sa defense namin at wala talaga naging butas. nabago n ang tingin nila sakin.
Masasabi ko din na hindi sa laki at sa sikat na school ka magiging magaling na coder. Experience ko to nung nag apply ako dito sa company na pinapasukan ko ngayon. Kinekwento nila sa akin na mga kasabayan ko ay mga CumLaude from malalaking schools like, La Salle, Ateneo, UP, Mapua, FEU etc etc. Magagaling sila sa Interview(which is mahina ako), pero nung nag take home exam na eh, wala na bumalik (at ako yung pinaka unang bumalik). sobrang hirap nung exam kasi unang una, hindi ako marunong ng ASP.net, at C#, at higit sa lahat, 1week lang ang palugit. Pero pinagpuyatan ko talaga yun, nanghiram ako ng notebook sa pinsan ko, minsan sa tita ko ako nakikicomputer para lng magawa yung project. at ayun, ako ang napili nila dito sa team namin ngayon. at yung mga teacher at dean namin ay madalas na ako kinakamusta sa GF ko (nagaaral pdin kasi gf ko), kung mayaman nadaw ba ako. Madalas na nila ako hanapin sa kanya, pero noon halos ituring ako parang tae lng .
Sa ngayon ay Web Developer na ako dito sa pinaka malaking TeleCom dito sa pinas (bahala n kayo magisip kung ano yun ) At masasabi ko lang. kahit na anong galing ko pa nung College ako, Newbie padin talaga ako sa totoong buhay.
Madami ako natutunan dito, ASP.NET C#, JQUERy, LINQ, CSS, Model-View-Presenter coding pattern atbp.
Ang masasabi ko lng, non-stop talaga ang learning, walang magaling, walang ahead. Sipag lang at tyaga. May mga times talaga na nakaka Frustrate na yung sitwasyon kasi sobrang malapit na deadline mo (lalo na sa work), pero wag ka lang susuko. And Get a Life .
Friday, July 22, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment