Sunday, July 24, 2016

Story of CtrlV



Ako nga din  haha para may babalikang babasahin soon.
Im Virson, aka CtrlV, 21 yr old ngayon (pindot ctrl +  ooops di gumana shortcut ng pag insert current date  di pala to excel . June 25, 2014 ngayon. haha meron n pala sa taas ang date. in case na hindi lang makita at babasahin ko to ulit soon. oh! nawala na ako sa topic. Life of a Developer? well well well basag well (alam nyu naman na siguro ang basag well!) hehe first time ko mag dota nung 1st College ako, Ou! wala akong hilig nun sa game na Dota pero dahil nilalaro ito ng mga kaibigan ko at sikat ito(ngaun) at narinig ko na pag IT daw eh malupet mag DOTA wahaha bumpanes ako kaya yun inaya ko minsan mga tropa ko na turuan ako mag dota, pumayag nama agad sila  gang ngayon ngdodota pero medyo weak parin . teka teka, nawawala ako sa Topic . Life of a developer. 1st time ko Humawak ng computer na may mouse noong 4th year HighSchool ako. uhm nga pala 4th year College na din ako ngayon. 4rth year HS ako natutong gumamit ng computer kasi may subject na kaming computer nun. once a week magKlase at mga computer namin nun ay mga malalaking Monitor at may bilog yung mouse . nasa lowest section kami pero kami yung may award na best in Attendance sa Computer subject . dun namin napagAralan ang mga basic na microsoft office at pinahapyaw naman ng instructor namin na magInternet dun kami gumawa ng yahoo account namin at friendster. at pagkaGraduate ko ng 4th year HS nakatanggap naman ako ng ng Student Assistant Award at Best in Powerpoint Animation . Dun ko nalaman na ang passion ko ay sa larangan ng Computer . wala pa ako sa Climax kaya pasensya na kung mahaba haba


pagkaGraduate ko ng HS, may offer nun ang TESDA na FREE kaya hindi na ako ngbakasyon at nagEnroll na agad ako ng summer class sa college. Computer Programming yung course at free na offer ng TESDA with allowance hehe. ang alam ko nun Computer lang yan kaya madali lang at ang alam ko eh parang sa pag aanimate lang sa powerpoint at pagpapaganda ng layout sa Friendster pero hindi pala . Actually wala akong natutunan nun. kasi nga parang na shock yung utak ko na firstTime kong namulat sa Computer Programming at medyo ignorant pa ako sa mga ibang larangan ng computer. hindi ko alam iExplain pero basta ganun, yun na yun . at kahit papano napasa ko yun at nakuha yung mga allowance . pagsapit ng June, Dahil walang pera, nagEroll n ako ng short Course, Computer Hardware Servicing (Computer Technician). ayun di naman ako nahuli sa mga kaklase ko, di gaya nung comprog ako. at grumaduate na ako ng 2yr CHS at narecieve ang Gold Medal sa Best in Circuit Troubleshooting. nagStop ako at ang sideline ko ay cellphone technician, pero hindi ako kuntento nun kaya sinubukan kong mga apply gamit ang aking napagAralan. nag apply ako at napadpad din ako jan sa maynila at nagApply sa CD-R King. pasok naman yung Resume ko at pasado naman ako sa personal Interview Pero pagpunta ko sa Final Interview na sa Hardware mismo ng computer eh bagsak ako. tandang tanda ko yung 3 questions na hindi ko nasagot. hindi ko na babanggitin baka sabihin nyu pang maxado akong bobo . nagApply din ako ng mga 5 company dito sa bayan namin sa probinsya pero wala paring tumatawag saking company  yung iba degree course daw ang hanap, yung iba naman hindi sila Hiring. hindi ko alam kung wrong timing ako or ano. kaya tuloy lang ako sa pagiging cellphone technician. Halos nawalan na ako ng pagAsa nun.


Last paragraph  CLIMAX na  since cellphone technician ang bagsak ko kaya yun nalang ang pinagtyatyagaan ko, hanggang marealize ko na hindi ko talaga career ang CP Tech. alam kong may mas mataas pa akong magagawa na hindi lang sa pag aayos ng sirang cellphone. Isa sa mga nagInspire sa akin ang tito ko. Si tito ko na Dr. of Philosophy at Asean Consultant na nakatira jan sa UP Diliman na kung saan ako tumuloy nung nagpunta ako sa CDRKing jan sa binondo. Masyado syang busy at madaming appointment at madaming meeting. mga ilang oras lang kaming nagkita at nagnaguusap pero bawat salita nya sa akin ay parang napakahalaga at nakakaInspire. kinapalan ko pa ang mukha ko nun at humingi ng computer pero di ko na matandaan basta wala syang direct answer na yes or no. pero ang naaalala ko lang na nasabi nya nun ay "Kahit ikaw ang pinaka magaling na gumawa ng cellphone o Computer, walang silbi yan kung kung hindi mo alam gamitin ang Computer" not exactly the words pero parang ganyan. (excuse me, no offense to all CompTech). Hindi ko ma explain ang words nya pero nagegets ko ang point nya. at Isa pa TS, sapul tayo dito. "sa panahon ngayon, Kahit na ikaw ang pinaka magaling sa Computer, malayong mas mataas ang chance ng isang Degree Holder na ma hire sa isang Company". uhm since logician ang tito ko, naniniwala ako sa nasabi nyang yan. kaya yun Nagpagisip isip ko na magtuloy sa pagAaral at kukuha ng Degree Course. june na nun pasukan na within 1 week. 1 week din akong biglaang nagdecide na magAral. kaya yun nagwoworking student ako hanngang ngayon.


Oops maximum of 4 paragraph haha hindi ko akalaing makakapagtype ako ng ganito kahaba. ang tyaga naman ng nagbasa ng comment ko na to jeje. since tinuloy mung binabasa itutuloy ko din. para din sakin to. nagTuloy ako ng Course na BSIT at 2nd year na ako agad nun kasi carry na yung mga ibang subject. sa nakalipas na taon, laging nasa average naman ako. sa ngayon 4rth year na ako. gang ngayon wala pa akong sariling computer, walang loptop. hirap din ako sa course ko buti nalang meron paring mga kaibigang nagpapahiram ng loptop, hindi rin sila gumagwa ng system kaya, papagamit nila sakin ang laptop nila  no Choice ako nalang taga gawa ng system nila, ang alam nila kawawa ako pero gustong gusto ko naman , Pero mahirap parin ang IT na walang sariling Comp. parang Grade 1 na Putol ang lapis, parang karpintero na walang martilyo, engineer na walang ruler at parang Dota Hero na walang Item. Pero sa dinamidami ng utang ko eh sinubukan ko paring magEnrol, swerte ko kasi mabait kahera namin, pinayagan akong makaenrol. Hindi ko alam kung makakatapos pa ako, pero I don't care kung makakatapos ako oh hindi, I don't care kung mahihire ako sa Trabaho o hindi. nagEnroll ako kasi alam kong dito ako masaya, alam kong nageenjoy ako sa course ko. nanghihinayang ako sa ComProg na course ko nun, hirap na hirap ako nun. parang gusto kong ibalik ang panahon at gawin ulit ngayon. nakakaGuilty, hirap na hirap ako nun tapos alam kong sisiw ko nalang ngayon. gayun paman alam kong sa larangan ng computer ako masaya, at napatunayan ko nga na kahit gaano kahirap ang isang bagay eh kayang kaya mong gawin kung nageenjoy ka at ito ang hilig mo. lahat tayo ay may kanya kanyang uniqueness at passion. Hindi mo kailangang magreview ng paulit ulit, magbasa ng makakapal na libro or magpuyat para makakuha ng mataas na grade. sundin mo lang ang gusto mo at kung san ka masaya. kahit hindi na ikaw ang pinaka matalino or kahit hindi ikaw ang pinaka mayaman, kahit nakatapos ka man sa pagaaral o hindi. bastat mabuti at masaya ka sayong ginagwa, walang problema.

Do your best and God do the rest, make your passion as your profession.



Friday, July 22, 2016

Story of mindfreak48



Im 21 years old at e2 naka survive sa BS computer science batch 2015  
masaya aq kase nakagraduate aq ng CS , frist time ko humwak ng PC/lappy is noong 1st years high school ata ako , mahilig lang aq maglaro like PVZ at mga low graphics games.

So ayun 4th year high school ako that time feeling ko parang na inlove na aq sa computer nun hinhanap hanap ko na, nag laro din aq ng dota at SF ,
one time pa nga may laptop kami sa bahay mahilig aq magdownload ng mga kung ano2 kaya ayun nagkavirus ang laptop ng tita ko, 
hindi q alam ang gagawin ko natatandaan ko pa ang virus na tumama sa laptop ni tita Cryptolocker ka sha. 
na maglolock at need mo bilhin ang codes para mawala ung lock ng laptop.

so wala aq nagawa that time wala namn kase aq alam sa computer mahilig lang aq maglaro at magdownloads ng kung ano2.

hanggang sa nagiba ang lahat ng makagraduate aq ng Highschool , 
nagpaenroll agad aq sa college sabi q sa sarili ko kahit anong course basta ma COMPUTER . Go lang ako.!

so habang nasa college aq aral ng programming at kung ano2 dito na aq natuto ng mga pagfoformat self studies naging mahilig na talga aq sa computer halos babad aq palage sa computer search ng kung ano2 mga tutorials, 
natutunan ko din kung paano mag repair ng mga PC/ LAPTOPS / ANDROIDS AT MGA NETWORKS at habang nasa college jan ko naman natutunan ang Programming at Developing. 

halos araw self study aq kapag walang pasok hanggang natuto na din aq ng mga hacks  

hanggang sa nakagraduate aq ng college 2015, hindi muna aq nagwork self studies pa din at nag freelance as web developer at may mga ilang service na gngwa na pinagkakaperahan yup at naging sideline ko din ang pag fix ng mga laptop/PC at android

hanggang sa kinuha na aq ng father ko dito sa DUBAI , nakikipag bakbakan sa mga web developer dito. 

as of now nasa isang company aq at nag gagawa ng websites ng company, 3 days palang aq dito kapag naimpress si boss Hired na daw aq. 




Story of nzero



Hello Im kingkong jr. Nakakatuwa tong thread n toh kasi andaming mga batang maagang namulat s skills nila sa programming. Opposite scenario nman nung sa akin..

Im already 26 now, but I really dont know what is the best career for me.. Hahaha until now.. Kung yung iba bata palang nkahawak n ng computer same din sakin, grade1 ata ako nung una ako nakahawak at nakapag games s pc, wala pang mouse nun at di ko sure kung windows nt ata un.. Kung yung iba nahilig s computer games and consoles ako wala talaga..

Inaral ko ang dota when I was in 1st year college taking up BSIT para lng makasabay sa uso at kasama sa kwentuhan hahaha, ganun dn sa MU, rakion.. Kung anong uso nkikigaya lng ako para d maiwan sa kwentuhan but at the end Im not a kind of gamer.. Di ko talaga hilig ang computer accidentally lng din yun pag kuha ko ng kurso na BSIT.. Na alala ko nga ang 1st PL n itinuro samin noon eh un turbo C. Gaya ng iba n ngamote dn ako gusto ko n mag shift agad hahaha pero nun natapos un semester ang final grade ko eh 105. Sobra sa uno(yabang hahaha) pero pag tapos nun naging normal n estudyante nlng ako, meron pang twice ko tinake un capstone1 ko s sobrang weak ko haha.. Pero awa nman ng diyos nakagraduate ako last 2013.. 5yrs ko tinapos ang course na I.T.

Ito na.... Real world na kumbaga.. Trabaho na.. I got my first job before I graduated and I worked as a technical support.. Marami din nman akong natutunan in 2yrs. Pero may hinahanap talaga ako n ndi ko makita so nag resign ako. After nun nag work ako as web designer ok nman khit puro mockup, photoshop and basic codings then after nun nagwork nman ako as a web developer, more on cms, puro php.. As in first time ko n encounter, every day umuuwi ako na lutang kakaisip sa mga pending task ko pero punong puno ang utak ko ng mga bagong knowledge.. Risky un work, ganun talaga un ung ginusto ko un tipong continous learning.. 

After I worked as a web dev, feeling ko kaya ko ng sumabak para s next achievement of my life.. Ang pag aabroad.. Pero masyadong mababa ang offer nila sa akin so i decided to stay here in PH.. Right now Im 6months jobless, may mga offer nman n work s akin pero d ko tinatanggap hindi ko alam kung bakit pero parang nakukulangan ako s skills ko bilang web dev and designer. Bka pwede nyo ako matulungan kung anong PL ang pinaka magandang aralin hanggang ngaun kase nalilito ako sa work na tatahakin ko.. Thanks guys




Tips from niansevilla



Gusto ko sana mag kwento kaso diko alam kung pano  Share ko nlng konting tips sa pagaaral 

1. Wag susuko! kahit anong problema. 
-DI hadlang ang kahirapan sa pag aaral  Nakagrad ako ng 5 years course ng puro hirap sa kung ano anong bagay.
-Umabot ako ng 4th year na walang computer.
-kahit bumagsak go padin kung gusto mo tlga.

2. Baguhin ang mindset na "Makagraduate lng".
-dapat may natutunan ka. Mas importante ang knowledge at skills kesa sa diploma.

3.Makinig muna bago magsulat.
-Sikreto yan  Mas magandang naintindihan mo kung anong nangyare kesa kinabisado mo. Try mo mag kabisado ng code ng loops ng dimo naintindahan ewann ko nlng sayo  HAHA

4. Share.
-Ishare mo yung natutunan mo. Ang tunay na magaling di takot ipamahagi ang kaalaman  (May advantage to balang araw) 

5. Put God first 
-Sakanya nanggaling ang lahat. Blessings, Knowledge, ETC.
-wag mo kakalimutan magpasalamat sakanya 

BTW I'm 22 Computer Engineer,
Web developer(server side,client side), Programmer(System app,Embeded system)
Skilled din sa hardware at networking,
nagtayo na ko ng comshop sa sarili kong pera @ the age of 21, 1 year after grad 
up to now nirerefer ako ng mga prof at colleagues sa mga students para maturuan sila  For free.  Share your blessings 
Yan po skills and achievements ko.
at Syempre To God be the Glory 







Story of Christine



Christine, 29 y/o , currently working as Company Secretary dito sa UAE. Share ko nadin mga ka-symb, nung 3rd year hs ako first launch ng windows 2000 sa school namin,
dahil nasa pilot section ako kami yung priority na turuan ng computer as major nga TLE that time.
Wala akong hilig sa computer sa totoo lang, i treated the subject same as other, pero just like other subject I excelled in this also
although hindi ako ganun ka-techie, nagkaroon pa nuong 4th year ng quiz bee competition about computer subject
at ako yung naging champion ng batch. wala sken sa totoo lang kasi parang gaya lang ng ibang competition na nasalihan ko na.

I took Political science as my first degree then, it feels like not enough, I am always thirsty about knowledge, I pursue another course which is
BSED major in Secondary education major in social sciences...awww...ang layo noh! Pero during the time na nagtatake ako ng second course ko, currently working nako sa pinas
guess what?? haha... SAP B1 Jr. Consultant DAW..haha..hindi ito ang first job ko after college, naging accounting assistant muna ko..
grabe cross-field to, un unang ngbgay ng offer eh, ayokong mbakante,edi tinanggap ko. naiintindihan ko ang accounting, in application
by that time our company acquires SAP system, just exactly when I entered the company was the same time for the system's implementation
nakilala ko yung Consultant ng SAP partner namin, naka-vibes ko sya..dahil sobrang matanong ako, inalam ko yung tungkol sa sistema, minsan nga yung hindi ko na 
pwedeng malaman as user inaalam ko pa, like yung sa crystal report..gusto ko ako na yung gagawa nun. Kasi yung Consultant hindi naman araw2 nagpupunta sa ofis, 
tapos laging iteteamviewer na lang, by that time hindi ko pa naiitindihan bakit ganun sila magtrabaho, 
para kakong hindi committed sa project.Porke kako nkasingil na smen eh parang pinbayaan na kami. haha.
By the time na user ako ng SAP curious ako sa ibat ibang module, super user kasi ako, kaya capable ako pumasok sa lahat ng module. Dun ko naencounter ang server,
lan-cabling, IP address, mag-ping ng IP..feeling techie nako nun..haha..dahil naging hilig ko yung mga bagay na teknikal ako na kinakausap about sa printer installation, 
SAP issues, pagbili ng router ng boss ko..at kung anu- ano pa, hinihingi ng boss ko opinyon ko nun.


Tapos ayun I decided to resign after 2 years ko dun, feeling ko walang growth-sa sahod hindi sa knowledge ha. kasi ngamay ko ang accounting.
1 month plang akong pahinga sa bahay nun, naisip ko kontakin yung Consultant na yun kung may alam syang work na pwedeng applyan.
Sabi nya sa Company nlang nila ko pumasok. ang nasa isip ko e secretary o office work lang, un pla gagawin akong Consultant.
Eto na, dito ko nransan pumunta sa ibat ibang lugar, kumausap ng ibat ibang klaseng client(mostly owner ng kumpanya), eh sino ba nman ako? parang dummy consultant lang ako.
pero ung mga user they treated me like someone, na sobrang galing..hay nko! kung alam lang nila, pero yung gustong ipa-portray ng boss ko.You should be someone para hindi mawala 
confidence ng client sten.


Dami kong natutunan, business process nga ibat ibang kumpanya, may packaging company, coffee trader,
chemical company, vehicle accessories manufacturing sa laguna, mall, etc.. natuto ako ng server routing, pati yung mga inventory, at strategies ng company para mas magimprove pa sila
na minsan wala ng kinalaman sa sap nasasama nadin ako sa meeting. hinihingi nadin yung opinyon ko. May moment na hindi ko tlga alam isasagot ko, grabe nilagnat ako kinagabihan because of that.
Dun nako tinuruan ng different ways paano sasagot sa Client, sa sobrang honest ko kasi nasasbi kong I dont know, I will ask my senior. Ayun, sbi sken ng boss ko, syo sila ng-rerely dapat alam mo isasagot mo.

haha..

dun ko nakilala yung isa pang taong hindi ko akalaing may magiging effect sa career ko..dati sapat ng SAP Consultant, pero nung nag-adapt kmi into Add-ons ng SAP, 
may subcon kming kinuha na programmer..php/asp/.net programmer sya, expert sa HR system at inventory..naging partner kami..nag-assist ako sknya.
Sbi nya no need na bumalik sa school ulit, gawin ko mag-search ako sa net at magaral mna ng HTML..

Pero nung plan ko na mag-shift ng career from consultant kuno to programmer kuno naudlot kasi need ko pumunta dito sa UAE. Given the chance nagpunta ko.dito ko na lang pinagpatuloy pag-aaral ko..dito ko na naencounter ang HTML5 at CSS3, through 
codecademy.com, w3schools, mga video tuts, at udemy.. may mga materials din akong nkuha dito sa sym, araw2 andito ko sa forum para mag-basa..gusto ko din after ng contract ko dito mkabalik ako sa tech field God willing.

I know hilaw pako dito, pero may pag-asa pa naman,salamat din sa mga taong nakilala ko dito at naging friend ko na sa FB, natuturuan nila ko. at pwede sila tanungin anytime. magaga;img sila. at ang lalong ngapapkitang magling sila hindi sila takot mag-share ng alam nila.

Yan lang mashrae ko guys. Ang ganda ng thread na ito.




Story of Penshoppe153



YOW DEVELOPAZ!

SHARE SHARE PAG MAY TIME!

Ako si Penshoppe, 18 years old. Natuto ako mag computer nung nagkasakit ako ng bulutong (hindi ko na tanda edad ko bata pa) tapos sa ibang bahay muna ako tumira na may computer. Tuwang tuwa ako sa larong Virtual Cops. Simula noon na amaze ako kung paano ba ito gumagana. 

Tapos nun ayun nag simula sa Counter Strike > Dota > Audition at kung ano anong games (syempre lahat games muna db?)

Pero nasabi ko nun sa sarili ko may matututunan ba ako kung puro laro lang ako? then ayun nagtry ako ng HTML astig lalo na ung <marquee> code tuwang tuwa ako dun kahit napakasimple, tapos nag improve na ng ng improve. Napunta sa PHP > MYSQL > ngayon android development.

At ayun na nag college na ako, una talaga COMPUTER SCIENCE ang gusto ko. Pero ako eto malakas ang loob dahil kung mangagarap ka taasan mo na db? So nag Computer Engineering ako sa isang high standard na Engineering school dito sa Laguna. Ayun gulat na gulat ako kasi hnd ito ang ineexpect ko na puro Mathematics at wla halos programming, ang programming eh nasa 4th year to 5th year pa. Eh hnd pa naman ako magaling sa MATH. Nakakainis kasi lagi akong kulelat dito tapos mga kasama kong COE matataas pero pagdating sa Major namin like computer parts, ayun ngayun lang pala nakakita ng RAM. Hinihintay ko lang talaga time ko ako naman magyayabang. haha

Sa ngayon ako ay nagpapakahirap sa Mathematics kasi pag nakadaan naman ako dito okay na puro Programming na. Saklap lang talaga kasi napakahirap. Pero naniniwala ako pag tapos na mathematics ko aba, pede na! 

Sa ngayon ay may dalawa akong website na PHP based. Nahihirapan lang ako isabay sa pag aaral. Pero kaya ko to! 




Story of Dennise03



Hindi ko pa man nabasa lahat ng comment dito pero napansin ko mostly mga younger age ang nagshishare ng kanilang mga experiences at ang gaganda ng mga story ng bawat isa.

Ngayon gusto ko lang din i-share ang experience ko. At para na rin ito sa mga FRESHLY GRADUATES na NATATAKOT SA KANILANG FUTURE. 

Pasensya na rin at baka mahaba ito pero sana makatulong din kahit paano.



I'm Rey age 43 now living and working here in Bacolod but i'm from Paranaque.

Nuong pa graduate pa lang ako ng High School 1988, pangarap ko na na makakuha ng kurso related sa computers and probably sa programming siguro, pero dahil sa mahal ang tuition sa ganyang course so napakuha na lang ako ng commerce major in accounting. Pero dahil sa hindi ko hilig ang kurso ko at dumating din yung time naging pabaya ako sa pag-aaral ko, hindi ko ito natapos halos 2 years lang ang nakuha ko.

Pero dahil sa mahilig talaga ako sa computer, una kong sinabak ay mag self study kung paano mag repair ng computer, buti noon uso na ang internet so mostly google search ako and trial and error. At dahil doon at least nagkaroon ako ng trabaho sa isang maliit na computer shop at duon ko pa halos nahasa yung pag-aaral ko bilang technician.

Dahil sa hilig ko talaga ang computer binalak ko na rin subukan ang programming, pero nahirapan ako dahil sa wala akong alam sa basic sa programming at walang oras para makapag-aral talaga kaya katagalan di ko na lang tinuloy.

After many years past, nakapag-asawa na ako at dito na ako napatira sa Bacolod year 2002. Pagkalipat namin dito sa Bacolod wala akong trabaho almost 2 years. Ang ikinakabuhay lang namin ay ang pagtitinda ng ulam at pag-iinasal ng misis ko. Pero dahil sa mahirap din ang kanyang trabaho, at ako naman dahil hindi sanay sa trabahong mabibigat kaya kahit pumasok sa mga construction site ay hindi puwede, tapos hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral at may edad na rin at that time age 30+ na ako pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Dahil alam ko na in demand talaga ang technology sinubukan kong mag-apply sa isang maliit na Publishing shop at sinuwerte naman na natanggap. Hindi ko pa nga alam kung paano gumamit ng mga CORELDRAW, PHOTOSHOP at VIDEO EDITING pero dahil mahilig akong magkutinting napag-aralan ko naman agad at kahit paano nagawa ko trabaho ko :-)

PERO SA HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON, dumating ang OPORTUNIDAD sa akin. Mayroong kaibigang chinese ang boss ko na naghahanap ng programmer. Gusto niyang magpagawa ng ACCOUNTING SYSTEM para sa kanilang business (Water PVC Pipes and Fittings). At biglang nire-commend ako ng boss ko sa kanya.

At that time burado na sa isip ko ang mga napag-aralan ko sa programming, pero dahil siguro sa tawag ng panahon, nakipagsapalaran ako. P 15,000 ang siningil ko sa kanya tapos nag pa down ako ng P 7,000. Napagkasunduan namin ng kliyente kong chinese na magawaan ko sila ng program within 1 MONTH pero kung HINDI NILA MAGUSTUHAN ang ginawa kong system, KAILANGAN KONG IBALIK ang P 7,000 na dinownpayment nila.

Kahit medyo nakakatakot tinanggap ko pa rin ang offer, at that time ZERO KNOWLEDGE ako sa programming, luckily na search ko ang MSACCESS which is mas madaling matutunan at iyon ang ginamit ko. 1 MONTH wala halos TULOG at BIHIRANG KUMAIN dahil sa ka-aaral. And then dumating na ang time ng PRESENTATION ng PROGRAM ko. Tiningnan nila ang sinubukan, medyo may mga kulang at hindi pa pulido pero NAGING SATISFIED sila sa ginawa ko at ayun sinabi nila na ituloy ko ang SYSTEM at salamat sa DIYOS natapos ko rin. :-)

Sa NGAYON I am now working sa kanilang FACTORY at ako ang gumagawa ng SYSTEM nila. :-) Pero until now MSACCESS pa rin ang alam ko lang na program :-)


Ang TECHNOLOGY ngayon ay UNLIMITED, nasa inyong IMAGINATION at CREATIVITY kung paano ninyo mapapalawak ang KNOWLEDGE ninyo sa pagiging PROGRAMMER. 
SALAMAT SA NAGTIYAGANG MAGBASA.